Ipinanawagan na sa gobyerno ng grupong Alliance of Concerned Teachers (ACT) na i-prayoridad ang dagdag-sahod ng mga manggagawa, lalo ng mga nasa sektor ng edukasyon.
Ito, ayon kay ACT– NCR president Vladimir Quetua, ay dahil sa patuloy na pagsirit ng inflation rate sa bansa sa nakalipas na sampung buwan.
Paliit na anya nang paliit ang kinikita ng mga uring manggagawa dahil sa nagmamahalang mga bilihin kaya’t dapat tutukan ng pamahalaan ngayong taon ang dagdag-sweldo.
Kabilang sa mga dapat pagtuunang-pansin ni Pangulong Bongbong Marcos ang pag-sertipika bilang urgent sa wage at salary increase bills na inihain sa kongreso.
Sisimulan namang talakayin ang mga nasabing panukala sa sandaling magbalik sesyon sa Ene. 23.