Pina-alalahanan na ng Department of Labor and Employment-Western Visayas ang mga employer sa isla ng Boracay, Aklan na ipatupad ang daily minimum wage increase na epektibo simula Enero 27.
Ayon kay DOLE-6 Regional Director Cyril Ticao, chairman ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-6, nag-issue na sila ng notices kahapon kaugnay sa effectivity ng dagdag sahod.
Hunyo noong isang taon nang aprubahan ng board ang wage order 24 na dapat ipatupad tatlong buwan matapos ang re-opening ng Boracay.
Oktubre noong isang taon nang buksan muli sa mga turista ang Bora matapos ang anim na buwang rehabilitasyon.