Malabo pang madagdagan ang sahod ng mga pampublikong guro sa Pilipinas.
Sinabi ni Education Undersecretary Michael Poa, na kasama ang mga guro sa salary standardization pero hindi basta-basta makapagtatakda ng dagdag – sahod sa mga ito.
Dagdag pa ng Undersecretary, na tanging natanggap ng mga guro ngayong taon ay ang performance based bonus noong nakalipas na taon at hindi lahat ay nakatanggap dahil hindi pa kumpleto ang kanilang dokumento.
Giit ng opisyal, na sa ngayon ay kumuha sila ng third party experts upang matukoy kung angkop sa kasalukuyang sitwasyon ang sahod na tinatanggap ng mga guro.
Dahil dito, sinisiguro ng Department of Education na tuloy-tuloy ang pagsusulong nila ng mga dagdag na benepisyo para sa mga pampublikong guro para matulungan sa aspeto ng health insurance. - sa panunulat ni Jenn Patrolla