Muling tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuloy ang kaniyang ipinangakong dagdag-sahod sa mga guro.
Sa talumpati sa oath taking ng newly elected official sa Cagayan De Oro City, sinabi ng pangulo na posible lamang matagalan nang kaunti ang hinihintay na taas-sahod ng mga guro.
Ito aniya ay dahil ginagawan pa ng paraan na makalikom ng pondo para dito lalo’t milyon-milyon ang bilang ng mga guro sa bansa.
Paliwanag pa ng pangulo, mas kaunti umano ang bilang ng mga pulis at sundalo kaya’t nauna ang mga ito na magkaroon ng dagdag sa kanilang sahod.
Magugunitang ipinananawagan ng mga guro ang salary increase matapos ang malakihang umento sa sahod ng mga sundalo, pulis at iba pang uniformed personnel noong 2018.