Aprubado na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board 4-A ang taas-sahod ng mga kasambahay sa Calabarzon, mula 750 pesos hanggang 1,750 pesos.
Ayon sa National Wages and Productivity Commission, inaprubahan ang wage hike noong Pebrero 10, na nagtatakda sa 6,750 pesos bilang bagong minimum wage rate ng mga kasambahay.
Dahil dito, ang mga kasambahay sa lungsod at first-class municipalities sa nasabing rehiyon ay may 750 pesos na umento sa sahod habang ang mga nasa ibang munisipalidad naman ay may dagdag na 1,750 pesos.
Saklaw ng dagdag-sahod ang mga kasambahay at sinumang nagsasagawa ng domestic work na “occupational basis.”
Epektibo na ang bagong wage order sa Marso 7. – Sa panulat ni Roma Molina