Tiniyak ni Labor Secretary Silvestre Bello III na masusi nilang pag-aaralan ang anumang petisyon para sa dagdag-sahod ng mga manggagawa.
Sinabi sa DWIZ ni Bello na kailangan ding masusing tingnan ang kakayahan ng mga employer na magdagdag ng suweldo sa kanilang mga manggagawa o maitaas ang minimum wage.
Kung sakaling matanggap na natin ang petisyon ay pag-aaralan naing mabuti kung irerekomenda ba namin sa kongreso na itaas ang sweldo,” ani Bello. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas