Tiniyak ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis at sundalo na tutuparin nito ang kanyang ipinangakong umento sa kanilang buwanang suweldo.
Binigyang diin ito ng Pangulo sa kabila ng naunang pahayag ni Budget Secretary Benjamin Diokno na hindi kasama sa panukalang budget para sa susunod na taon ang pagtataas sa sahod ng mga nasa unipormadong hanay.
Gayunman, tumanggi nang magdetalye pa si Pangulong Duterte kung saan siya kukuha ng pondo para matupad ang kanyang mga ipinangako.
Dagdag pa ng Pangulo, hindi niya kayang patakbuhin ang bansa kung tiwali ang mga tagapagpatupad ng batas kaya’t ito ang nakikita niyang solusyon para hindi na sila gumawa ng masama sa halip ay tutukan ang kanilang trabaho.
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)