Magpapatupad ng dagdag na singil sa premium contributions ang PhilHealth simula January 2018 sa lahat ng mga empleyado, employers, pambribado at pampublikong sektor kasama ang kasambahay at sea-based OFWs.
Ayon sa PhilHealth ang dagdag na singil na kanilang ipapataw sa pormal na sektor ay bahagi ng pagpapatatag ng paglago ng National Health Insurance Fund ng pamahalaan.
Paliwanag pa ng PhilHealth mapapakinabangan rin ito ng kanilang mga miyembro dahil asahan ang dagdag benepisyo at bagong at mas magandang mga health packages.
Sa kanilang bagong contribution rate, magkakaroon ng adjustment na 0.25 percent na ipapataw sa 2.75 percent sa buwanang basic salary ng isang employed member.
Papasanin naman ng mga employer ang dagdag na monthly contribution ng kanilang kasambahay maliban na lamang kung tumatanggap ito ng buwanang sweldo na 5,000 pataas.
—-