Epektibo na simula bukas, Pebrero 2, ang dagdag – singil sa bayarin ng mga dokumentong kinukuha sa Philippine Statistics Authority o PSA.
Kabilang dito ang birth certificate, marriage certificate, death certificate at ang certificate of no marriage o CENOMAR.
Ayon sa PSA, ang dating P140.00 na halaga ng bawat kopya ng birth, marriage, death certificates at authentication ay P155.00 na ngayon.
Habang ang dating P195.00 na halaga ng bawat kopya ng CENOMAR ay P210.00 na ngayon.
Paliwanag ng PSA, ang P15.00 na dagdag – singil sa mga nasabing dokumento ay dahil sa pagtaas ng bayarin sa documentary stamp tax na bahagi ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.