Asahan na ang dagdag singil sa kuryente ngayong Agosto.
Ayon sa abiso ng Meralco, aabot sa 9.65 centavos ang itataas sa kanilang singil sa kada kilowatt-hour.
Ito’y dahil sa pagtaas ng transmission charges bunsod sa mataas na ancillary service ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Ibig sabihin, sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatt per hour ay aabot sa P19 ang pagtaas sa kani-kanilang mga bayarin.
Habang P48 naman ang dagdag sa bill ng mga kumokonsumo ng 500 kilowatt per hour kada buwan.