Inaasahan ang pagtaas ng singil sa kuryente ng Meralco, ngayong buwan.
Kasunod ito, ayon sa Meralco, ng ilang beses na pagnipis sa reserba ng kuryente sa Luzon.
Ipinabatid ng Meralco na lalabas sa July billing ang 11 beses na pagsailalim sa yellow alert at limang beses sa red alert ng Luzon grid.
Gayunman, inihayag ng Meralco na maaaring mahila pababa ang power rates dahil na rin sa paglakas ng piso kontra sa dolyar.
Ipinabatid pa ng Meralco na kung mataas ang konsumo sa kuryente, asahan na ang mas malaking bayarin kahit bumaba pa ang overall rate.
June 21 ang pinakamataas na konsumo ng kuryente sa buong Luzon sa gitna ng matinding init ng panahon, kumpara noong May 2018 na naitalang pinakamataas na konsumo sa kuryente ng Meralco consumers.
I-aanunsyo ng Meralco sa susunod na linggo ang eksaktong halaga ng dagdag-singil sa kuryente ngayong buwan.