Puspusan na ang Pamahalaan sa pagpapatupad ng mga hakbang upang ibaba ang presyo ng mga pangunahing bilihin, lalo ng pagkain maging ng produktong petrolyo at singil sa kuryente.
Tiniyak ito ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag matapos bumisita sa international rice research institute, sa los baños, laguna, kahapon.
Ayon sa Pangulo, ang pagpapababa sa presyo ng pagkain ang kanyang magsisilbing pamasko sa mga mamamayan.
Gayunman, aminado ang Punong Ehekutibo na isa sa kanyang pangamba ang Temporary Restraining Order ng Court of Appeals sa Power Supply Agreement ng San Miguel Corporation at Meralco.
Gumagawa na anya sila ng paraan upang mabawasan ang epekto ng mahal na krudo, lalo sa supply ng kuryente at kung magtataas man ng singil ay hindi dapat biglain ang mga consumer. —ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)