Hindi pa masabi ni Joe Zaldariaga, tagapagsalita ng Meralco, kung gaano kalaki ang magiging paggalaw ng presyo ng kuryente sa susunod na buwan.
Sinabi ni Zaladariaga sa panayam ng programang Karambola ng DWIZ, na maaring magmahal ang singil sa kuryente dahil mapipilitan ang ilang planta na gumamit ng alternatibong gasolina kapag isinara ang Malampaya Power Plant sa Enero 28 hanggang sa Pebrero 16.
Sa kabila nito, sinabi ni Zaldariaga na sa ngayon ay nararanasan pa ng consumers ang pinaka mababang singil sa kuryente mula noong 2009, matapos nilang bawasan ng 30 sentimos ang presyo ng kada kilowatt hour ng kuryente ngayong buwan.
“Malalaking planta itong umaasa from the Malampaya source and they will be using an alternative fuel source para mapa-andar yung mga planta, nandoon nakapasok yung magiging additional cost nitong operations nila with regards to the overall supplies situation”, pahayag ni Joe Zaldariaga.
By: Katrina Valle / Race Perez
Credits: Karambola Program ng DWIZ, mapapakinggan mula Lunes hanggang Biyernes, 8:10 AM to 10:00 AM kasama sina Jonathan Dela Cruz, Jojo Robles at Conrad Banal