Asahan na ngayong buwan ang dagdag singil ng Manila Electric Company (MERALCO) dahil sa mataas na presyo ng krudo.
Ayon kay MERALCO Utility Economics Head Lawrence Fernandez, partikular na maaapektuhan ng dagdag singil sa generation charge.
Gayunman, hindi pa anya naisasapinal ang actual figures na i-aanunsyo naman ngayong linggo.
Magugunita noong Disyembre ay nasa 3.70 per kilowatt hour ang generation charge kumpara sa 3.92 per kilowatt hour noong Enero, 2016.
By Drew Nacino