Inalmahan naman ng mga grupong Power for People Coalition (P4P) at National Association of electricity Consumers for Reforms (Nasacore) ang wala umanong tigil na dagdag-singil sa kuryente.
Dapat anilang may managot sa power rate hike dahil taumbayan ang pumapasan nito gayong wala naman silang kinalaman sa problema, lalo ng mga planta.
Binalaan naman ni Nasecore President Pete Ilagan ang Department of Energy at National Grid Corporation of the Philippines sa posibleng pagnipis ng reserbang kuryente na maaaring mauwi sa brownout.
Ayon kay Ilagan, maaaring papanagutin ang DOE at NGCP sa brownout na nagdudulot ng takot sa mga tao at ng problema sa ekonomiya.
Nito lamang oktubre ng nakaraang taon, inamin ni Energy Secretary Raphael Lotilla na magiging mahirap ang power situation ng bansa sa unang bahagi ng taong 2023, partikular sa tag-init, dahil sa manipis na supply.