Umapela sa gobyerno ang ilang grupo na huwag namang ipasa sa mga konsyumer ang dagdag-singil sa kuryente bunsod ng serye ng power alerts o kakulangan ng suplay sa kuryente sa Luzon grid.
Ito’y matapos i-anunsyo ng Meralco ang nagbabadyang dagdag-singil dahil umano sa sunod-sunod na pagsasailalim ng Luzon grid sa yellow at red alert.
Paliwanag ng Meralco, dahil manipis ang suplay ng kuryente, sumisipa ang presyo nito sa spot market.