Nakatakda na namang magtaas ng singil sa kuryente ang Manila Electric Company (MERALCO).
Matapos na payagan ng ERC o Energy Regulatory Commission ang dagdag singil dahil sa Malampaya shutdown ay inaprubahan din nito ang patuloy na paniningil ng 19 centavos (P0.19) na dagdag kada kilowatt hour.
Ayon sa ERC, ito ay para ipambayad sa utang sa mga planta ng kuryente.
Paliwanag ng ERC hindi ito bago bagkus ay matagal na nitong inaprubahan ang 53 billion pesos na kailangang ipasa sa mga consumer ngunit hindi sapat ang naging koleksyon noong nakalipas na apat na taon.
By Rianne Briones