Magtataas ng singil ang Manila Electric Company (Meralco) para sa kanilang billing ngayong Abril.
Sa kanilang ipinalabas na abiso, aabot sa mahigit anim na sentimo (P0.06) kada kilowatt hour ang magiging dagdag sa kanilang singil.
Katumbas ito ng dagdag na P12.60 sa buwanang billing ng mga komukonsumo ng 200 kilowatt per hour.
Disi otso pesos at nubenta sentimos (P18.90) sa mga komukonsumo ng 300 kilowatt per hour habang bente singko pesos at bente sentimos (P25.20) na dagdag sa buwanang bill ng mga komukonsumo ng 400 kilowatt per hour.
Ang taas sa singil sa kuryente ng Meralco ay bunsod naman ng pagtaas ng generation charge at paghina ng peso konta dolyar.
—-