Magsusumite ng petisyon ang National Power Corporation o NAPOCOR sa Energy Regulatory Commission o ERC ngayong araw.
Ito’y para sa hirit na dagdag na singil sa kuryente upang maka-rekober umano ang NAPOCOR sa missionary electrification subsidy para sa taong 2014.
Ayon kay Ma. Gladys Cruz – Sta.Rita, isang regular na application ang kanilang isinumiteng petisyon batay sa gastos na mas mataas kaysa sa kinikita ng korporasyon mula sa generation charge.
Nakasaad sa petisyon ng NAPOCOR, aabot sa mahigit P5 bilyong piso ang kanilang ikinalugi noong 2014 kaya’t hinihiling nila sa ERC na payagan ang P0.78 kada kilowatt hour na dagdag singil sa kuryente na ipapataw sa mga konsyumer.
By Jaymark Dagala