Magpapatupad ng panibagong dagdag singil sa kuryente ang Meralco, simula sa Hulyo.
Dagdag dos (2) sentimos ang ipatutupad sa kada kilowatt hour kada buwan sa loob ng dalawampu’t siyam (29) na buwan.
Ito’y bunsod ng utang ng Meralco na aabot sa halos isa punto pitong bilyong piso (P1.7-B) sa Philippine Electricity Market Corporation.
Nilinaw ng power distributor na kahit may taas-singil ay makararamdam pa rin ng pagbaba ng singil sa kuryente ang kanilang mga costumer sa monthly bill sa Hulyo.
Dahil naman ito sa ipatutupad na ikalawang bugso ng refund sa nasabing buwan na aabot sa 79 centavos per kilowatt hour na bahagi ng 6.8 billion pesos ‘over-recoveries’ mula 2014 hanggang 2016.
By Drew Nacino