Nagbabadyang magpatupad ng dagdag singil sa kuryente ang Manila Electric Company o MERALCO sa susunod na buwan.
Ito’y bunsod ng serye ng mga naitalang paginipis sa suplay ng kuryente nitong nakalipas na linggo.
Ayon kay Larry Fernandez, Head ng Utility Economics ng MERALCO, nakadepende aniya kasi sa dikta ng spot market ang magiging presyuhan ng kuryente.
Dahil wala aniyang ibang mapagkukunan ng kuryente kundi ang spot market, sinabi ni Fernandez na wala rin silang magagawa kundi ipasa ang binibiling kuryente sa mga konsyumer.
Nito lamang Abril 13 hanggang 15, sumipa aniya ang presyo ng kuryente sa spot market ngunit kasalukuyan pang kinukuwenta kung magkano ang ipatutupad nilang dagdag singil.
By Jaymark Dagala