Nagbabadya ang dagdag-singil sa kuryente sa Mayo.
Ito ang inanunsyo ng Meralco dahil umano sa sunod-sunod na pagsasailalim sa yellow at red alert ang Luzon grid.
Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, dahil sa pagsasailalim sa yellow at red alert ay tumataan ang bentahan ng kuryente sa spot market na isa sa pinagkukuhanan ng suplay ng kuryente ng Meralco.
Magugunitang umabot pa kaninang hating gabi ang naranasang manipis na reserbang kuryente.
Dagdag pa ni Zaldarriaga, naging malaking epekto rin ang mataas na demand sa kuryente dahil sa mainit na panahon kaya’t mas inaasahan ang pagtaas ng singil ng kuryente sa Mayo.