Asahan na ang taas-singil sa kuryente sa susunod na taon
Ito’y matapos na aprubahan ng NGCP ang 70% na natitirang utang sa mga plantang nagbigay ng ancillary services noong pebrero na nagkakahalaga ng mahigit tatlong bilyong piso.
Dahil dito, namumuro ang 12 centavos na dagdag-singil sa kuryente mula enero hanggang marso 2025 sa Luzon consumers;
Gayundin sa visayas na magsisimula rin sa buwan ng enero hanggang Hunyo na aabot ng anim na buwan ang dagdag singil na 12 centavos kada kilo watt hour; at 3 centavos naman ang taas-singil sa mga taga-Mindanao mula Enero hanggang Marso.
Paliwanag ni ERC Chairperson Monalisa Dimalanta, hindi na kayang ipagpaliban pa ang dagdag singil dahil magkakaroon lamang ito ng malaking epekto sa rate ng bill sa darating na summer 2025.
Samantala, nagbabadya rin ang taas-singil ng meralco ngayong buwan dahil sa paghina ng piso kontra dolyar at outage sa ilang mga power plant bunsod ng mga nagdaang bagyo.