Nag-issue na ang Energy Regulatory Commission (ERC) ng status quo orders upang mapigilan ang retail electricity suppliers na taasan ang kanilang singil sa malalaking kumpanya.
Una nang hiniling ng mga malaking kumpanya sa ERC na mag-issue ng temporary restraining orders at cease-and-desist orders upang mapigilan ang retail electricity suppliers na putulan sila ng supply.
Iginiit ng mga kumpanya na lumabag ang mga supplier sa kanilang mga kontrata sa pamamagitan ng pagtataas ng singil na lampas sa napagkasunduan at nais ipataw na fuel cost recovery adjustments bunsod ng umano’y extraordinary increase sa fuel costs.
Ayon kay ERC Chairperson Monalisa Dimalanta, mananatili ang status quo hangga’t hindi nakapag-dedesisyon ang komisyon sa mga mosyong inihain sa kanilang tanggapan.
Kabilang naman sa mga sinampahan ng kaso ng mga kumpanya sa ERC ang Mpower, Incorporated at Vantage Energy Solutions Management Incorporated, na retail electricity suppliers ng Meralco.
Ilan sa mga itinurong dahilan ng mga electricity suppliers ng mataas nilang singil ang “hindi inasahang” increase sa global price ng krudo, uling at iba pang fuel sources.