Abiso sa mga motorista!
Magpapatupad ng malakihang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis simula bukas.
Batay sa pagtaya, posibleng tumaas ng P 1.90 – P 2.20 ang presyo ng kada litro ng Diesel at Gasolina.
Asahan naman ang P 1.70 – P 1.90 na umento sa kada litro ng Kerosene.
Paliwanag ni Jetti Petroleum President Leo Bellas, ang taas-presyo sa petrolyo ay kasunod ng pagbabawas ng supply ng russia, kaya’t nangamba ang merkado dahil sa paghihigpit ng suplay ng petrolyo.