(Updated)
Aarangkada na ang dagdag singil sa toll fee sa North Luzon Expressway o NLEX simula sa Nobyembre.
Ito ay matapos na aprubahan ng Toll Regulatory Board o TRB ang hirit na dagdag singil ng Metro Pacific Tollways Corporation dahil sa ipinagawa nitong 3.7 bilyong proyekto sa NLEX.
Pinayagan ng TRB ang 25 sentimo na dagdag toll sa kada kilometro o 236 pesos mula sa dating 218 pesos mula Marilao, Bulacan hanggang Sta. Ines, Pampanga.
Pinayagan din ng TRB ang STAR o Southern Tagalog Arterial Road Toll ng P0.67 na dagdag sa toll fee simula Sto. Tomas hanggang Batangas City.
TRB
Samantala, hindi pa ipatutupad kaagad ang anunsyong dagdag-singil sa North Luzon Expressway o NLEX at Star Toll Way.
Ayon kay Toll Regulatory Board o TRB Spokesman Alberto Suansing, posibleng sa ikalawang linggo ng Nobyembre ipatutupad ang toll fee increase dahil may mga requirements na kailangang sundin tulad nang pag-anunsyo ng dagdag-singil sa mga malalaking pahayagan.
Ipinabatid sa DWIZ ni Suansing na ang bahagi lamang ng expressway simula Marilao, Bulacan hanggang sa Mabalacat, Pampanga ang may dagdag-singil na P0.25 kada kilometro gayundin ang provisional toll increase mula sa bayan ng Sto. Tomas hanggang Batangas City na P0.67 kada kilometro.
“For example sa NLEX, ang coverage niyan magmula lang sa Marilao North papunta ng Sta. Ines, yung pagitan na yun, yung binabayad nating P45 plus 1 yun, kada pasok mo, for example sa Balintawak at Smart Connect hindi magbabago yun, ang magbabago lang ay yung portion between Marilao North at Sta. Ines, yun yung closed system na tinatawag at doon sa Subic-Tipo.” Pahayag ni Suansing
(Judith Estrada-Larino/ Ratsada Balita Interview)