Humihirit ang Confederation of Truckers Association of the Philippines (CTAP) ng dagdag-singil sa freight fees sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni CTAP President Mary Zapanta na dumadaing na ang mga truckers dahil din sa mataas na gastos sa operation cost.
Sakali aniyang mapagbigyan sila sa kanilang hiling na 40% dagdag-singil o tinatawag na fuel adjustment rate ay makatutulong ito para sa mga truckers.