Epektibo na simula ngayong araw ang P0.25 na dagdag singil sa kada kilometro ng mga pangunahing tollways sa North at Southern Luzon.
Ito’y makaraang aprubahan ng Toll Regulatory Board o TRB ang hirit na toll hike ng MNTC o Manila North Tollways Corporation at STAR Tollways Corporation.
Dahil dito, asahan nang papalo sa P236 ang singil ng NLEX para sa class 1 vehicles na mula Balintawak hanggang sa bahagi ng Dau, Pampanga.
Limandaan at siyamnapung piso (P590) naman ang singil para sa class 2 vehicles habang papalo sa P708 ang singil para sa mga class 3 vehicles sa kaparehong ruta.
Samantala, papalo naman sa P77 ang kabuuang dagdag singil ng STAR Tollways na siyang nag-uugnay naman sa SLEX o South Luzon Expressway patungong lalawigan ng Batangas.
—-