Inaprubahan na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang panibagong singil sa mga motoristang dadaan sa North Luzon Expressway (NLEX).
Ayon sa pamunuan ng NLEX, sisimulan na sa Hunyo 15 ang dagdag-singil sa toll fee kung saan, karagdagang P7 ang kokolektahin sa open system ng mga class 1 vehicle na binubuo ng regular cars at mga SUV na magmumula sa Metro Manila patungong Marilao, Bulacan.
Nasa 36 centavos naman per kilometer ang kokolektahin sa mga closed system kung saan, sakop nito ang Bocaue, Bulacan; Sta. Ines, Mabalacat City, Pampanga; at ang Subic.
Sisingilin naman ng P17 ang mga class 2 vehicle o yung mga bus at maliliit na trucks habang aabot naman sa P19 ang magiging singil para sa mga class 3 vehicle na binubuo ng mga malalaking truck.