Magpapatupad ng dagdag singil sa tubig ang mga kumpaniyang Maynilad at Manila Water.
Ito’y matapos aprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS ang fourth quarter foreign currency diffrential adjustment ng dalawang kumpaniya.
Sa ipinalabas na board resolution ng MWSS, epektibo ang nasabing dagdag singil na ipapataw sa mga konsyumer simula October 1, 2015.
Dahil dito, papalo sa P0.05 kada cubic meter ang itataas sa singil ng Manila Water mula sa kasalukuyang P25.25 pesos average basic charge nito.
Habang P0.53 centavos naman ang inaasahang dagdag singil ng kumpaniyang Maynilad sa kada cubic meter mula sa kasalukuyang average basic charge na P33.60 pesos.
By Avee Devierte | Monchet Laranio