Hinarang ng MWSS o Metropolitan Waterworks and Sewerage System ang dagdag-singil sa tubig na ipatutupad sana sa buwan ng Abril.
Batay sa inihaing petisyon ng mga water concessionaire, dagdag 79 centavos kada cubic meter ang inihirit na taas-presyo ng Maynilad habang 37 centavos kada cubic meter para sa Manila Water dulot ng inflation at foreign currency differential adjustment.
Ayon kay DPWH o Department of Public Works and Highways Secretary at MWSS Chairman of the Board of Trustees Mark Villar, dapat na pag-aralan munang mabuti ang dagdag-singil dahil tatamaan nito ang mga ordinaryong mamamayan.
Ngunit iginiit naman ng Maynilad na hindi naman nawawala ang dagdag-singil sa halip ang pagpigil dito ay magreresulta ng mas paglobo pa ng singil sa third quarter ng taon.
By Rianne Briones