Ipinagpaliban ng MWSS o Metropolitan Waterworks and Sewerage System ang pagpapatupad ng dagdag singil sa tubig ngayong Hunyo.
Nasa 18 centavos kada cubic meter ang ipinapaliban na dagdag singil sa tubig ng MWSS sa Manila Water habang 3 centavos kada cubic meter naman sa Maynilad.
Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Ty, nagpasiya ang board of trustees na huwag munang gumawa ng mga mahahalagang hakbang hangga’t hindi pa nakaka-upo sa pwesto ang bagong administrator ng MWSS.
Gayundin, makapagdagdag sa pasanin ng mga consumers lalo’t nagpapatuloy pa rin ang rotational supply ng tubig sa ilang lugar.
Dahil ipinagpaliban lamang ang dagdag singil, posible maipasa pa rin ito sa huling bahagi ng taon o sa Oktubre.
MWSS pinaghahanda ang Manila Water at Maynilad sa pagbabawas ng alokasyon ng tubig
Pinaghahanda na ng MWSS o Metropolitan Waterworks and Sewerage System ang Maynila at Manila Water sa posibilidad na magbawas ng alokasyon ng tubig.
Ito ay dahil sa patuloy na pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam dahil sa madalang na pag-ulan.
Posible namang magresulta sa water interruption sa mga susunod na linggo ang pagbabawas sa alokasyon ng tubig para sa dalawang concessionaires.
Gayunman, nilinaw ng MWSS na para lamang sa tinatawag na worst case scenario ang nasabing paghahanda.
Kasabay nito, binilinan ni MWSS Administrator Reynaldo Velasco ang Maynilad at Manila Water na siguraduhing magpapalabas ng malinaw na abiso kung kailan mawawalan ng suplay ng tubig.