Inaprubahan na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS ang panibagong taas-singil sa tubig para sa mga water concessionaires na magsisimula sa Enero ng susunod na taon.
Ayon kay MWSS Chief Regulator, Atty. Patrick Lester Ty, aabot sa ₱4.44 hanggang ₱205.57 ang magiging singil depende pa ito sa konsumo para sa Maynilad services.
Depende rin ito sa papasok na dagdag singil sa buwanang bill sa konsumo mula 10 cubic meters, 20 cubic meters at 30 cubic meters.
Sa Manila Water services, aabot naman mula ₱2.96 hanggang ₱154.55, ang magiging taas-singil depende pa sa magiging konsumo.
Pinayagan aniya nila ang pagtataas ng singil dahil sa mga isinagawang proyekto ng dalawang concessionaire para mabawasan ang epekto ng El Niño sa bansa.
Sa Manila Water, nasa tatlong proyekto ang isinagawa habang sa Maynilad ay apat na proyekto naman ang isinagawa para makatulong sa dagdag na suplay ng tubig para sa Metro Manila at sineserbisyuhan ng mga water companies.
Nabatid na nasa mahigit labing ₱1-B ang ginastos ng Manila Water habang aabot naman sa ₱17-B sa Maynilad. - sa panulat ni Maianne Palma mula sa ulat ni Geli Mendez (Patrol 30)