Magpapatupad ng dagdag singil sa tubig ang mga kumpaniyang Maynilad at Manila Water sa pagpasok ng buwan ng Oktubre.
Ito’y ayon sa MWSS o Metropolitan Waterworks and Sewerage System ay epekto ng paghina ng halaga ng piso kontra dolyar.
Para sa Manila Water, 24 na sentimos kada cubic meter ang itataas sa kanilang singil sa tubig habang 11 sentimos naman kada cubic meter ang itatas sa singil ng Maynilad.
Malakihang dagdag singil sa tubig ng Maynilad di pa maipatutupad
Nilinaw naman ng kumpaniyang Maynilad na hindi pa nila maipatutupad ang mahigit tatlong Pisong dagdag singil sa tubig para sa kanilang mga konsyumer
Ito’y makaraang paboran ng Quezon City RTC ang petisyon ng Maynilad na nagpapatupad sa final award kaugnay sa arbitration sa pagitan ng Maynilad at ng MWSS
Ito’y ayon kay Randy Estrellado, Chief Operating Officer ng Maynilad ay dahil sa may panahon pa upang i-apela ng MWSS ang nasabing desisyon ng korte.
Batay sa tala, aabot na sa 5.3 bilyong piso ang utang ng pamahalaan sa Maynilad dahil sa pagtanggi ng MWSS na payagan silang makapagtaas ng singil na anila’y kailangan upang mapaganda ang serbisyo.
Sa panig naman ng MWSS, sinabi nitong hindi pa sila nakakukuha ng kopya ng desisyon ngunit pag-aaralan na nila ang mga ligal na hakbang na kanilang gagawin hinggil dito.
SMW: RPE