Posibleng ipagpaliban ng Manila Waterworks and Sewerage System o MWSS ang pagpapatupad ng dagdag singil sa tubig ng Maynilad ngayong buwan.
Ito ay matapos na maghain ng arbitration case ang Maynilad laban sa MWSS dahil sa desisyon ng ahensya na hindi isama ang corporate income tax sa dagdag singil.
Depensa ni MWSS Chief Regulator Patrick Ty, imposible ang iginigiit ng Maynilad dahil hindi maaaring ipataw ang income tax sa publiko.
Binigyang diin ni Ty na hindi kasama sa business tax ang binabayarang income tax ng Maynila.
Dahil sa nakabinbing arbitration case, posibleng mabalam muna ang water rate hike na nakatakda na sana sa susunod na linggo.