Pansamantalang maaantala ang dagdag-singil sa tubig ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa Hunyo.
Ito’y dahil umano sa foreign currency differential adjustment o ang epekto ng palitan ng piso.
Batay sa MWSS regulatory office nasa P0.18 kada cubic meter ang dagdag-singil na ipinagpaliban para sa Manila Water, habang P0.03 kada cubic meter naman para sa Maynilad.
Ayon kay MWSS chief regulator Patrick Ty, malaki ang maitutulong ng pagpapaliban ng dagdag-singil sa tubig lalo’t hirap pa rin ang mga consumer dahil sa minsang nakakaranas pa rin ng kawalan ng tubig o rotational.
Samantala, pinaghahanda na ng MWSS ang Maynilad at Manila Water sa posibilidad na mabawasan ang alokasyon ng tubig na maaaring magresulta sa water interruption sa mga susunod na linggo.