Tataas ang singil sa tubig sa darating na Agosto.
Ito ay matapos aprubahan ng Manila Water Sewerage System o MWSS ang hirit na dagdag singil ng Manila Water at Maynilad dulot ng paghina ng palitan ng Piso kontra Dolyar, Yen at Euro.
Tinatayang nasa dalawamput pitong (27) sentimo kada cubic meter ang average na dagdag singil ng Maynilad sa lahat ng kanilang customer.
Habang nasa dalawamput walong (28) sentimo naman ang umento Manila Water.
- Ralph Obina