Ipinatigil ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang dagdag singil na ipinatupad ng Uber.
Batay sa abiso ng LTFRB, ipinahihinto nila sa Uber ang dagdag singil sa mga pasahero na nagtutungo sa southern part ng Metro Manila at dumadaan sa toll gates.
Noong Disyembre 7, 2015 nang magpatupad ng surcharge ang Uber sa kanilang mga pasahero partikular na sa entry at exit points sa Skyway.
Dagdag na P80.00 ang ipinataw ng Uber sa mga papasok sa Skyway, Magallanes at C5 entry points at mga palabas ng Bicutan at Sucat.
Dahil dito, pinayuhan ng LTFRB ang Uber na maghain ng position paper kaugnay sa isyu para maisailalim sa deliberasyon ng ahensya.