Asahan na ang dagdag kontribusyon sa Social Security System o SSS sa Abril o Mayo.
Ito, ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel Dooc, ay sa sandaling ilabas na ang Implementing Rules and Regulations o IRR ng bagong pasang batas na Social Security Act of 2018.
Gayunman, kailangan pa anya ng malalim na talakayin kung gaano kalaki ang itataas ng contribution rates.
Nakatakda ang susunod na meeting ng Social Security Commission sa Marso 14 at bagaman aminado si Dooc na hindi pa malinaw kung ano ang magiging agenda, umaasa silang matatalakay ang issue ng contribution rate.