Malaki ang posibilidad na makalusot sa Kongreso ang panukalang dagdag na P2,000 pension sa mga miyembro ng Social Security System o SSS.
Ito’y matapos tiyakin ng isang kongresista na iaakyat na sa plenaryo bago mag-Christmas break ang nabanggit na panukala na na-veto ni dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III noong nakaraang taon.
Giit ni North Cotabato Representative Jesus Sacdalan, Chairman ng House Committee on Government Enterprises and Privatization, sa Nobyembre 15 na itinakda ang pag-apruba sa committee report para sa SSS Pension Hike Bill na noon pang Setyembre napagbotohan.
Giit ni Sacdalan, gagawin nila ang approval sa committee report, may presensiya man o wala ang mga opisyal ng SSS sa pagdinig sa naturang petsa.
Sinasabing mayroong 16 na SSS pension hike bills sa Kamara at kinakailang pagsamahin ito sa iisang bersyon bago isumite sa plenaryo.
By Jelbert Perdez