Kailangan paigtingin ang dagdag suplay ng oxygen dahil sa posibleng pagtaas ng kaso ng COVID-19 Delta variant sa bansa.
Ito ang inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na may posibilidad na sumirit ang naturang variant dahil sa mga naitalang local cases ng Delta variant sa Northern Mindanao, Metro Manila, Western Visayas at Central Luzon.
Sinabi rin ni Vergeire na pinadadagdagan na rin nila sa mga ospital ang mga bed capacity at pinaalalahanan na sa mga lokal na pamahalaan na mas paigtingin ang kanilang tugon sa PDITR (prevent-detect-isolate-treat-reintegrate).
Nagpaalala naman si Vergeire sa publiko na sundin ang mga ipinatutupad na health protocols upang maiwasan ang pagtaas ng kaso ng nakakahawang sakit.
Samantala, magpapadala ang Pilipinas ng suplay ng oxygen sa Indonesia para makatulong sa laban ng COVID-19 Delta variant.