Tiniyak ng pamahalaan na maipatutupad ang umento sa suweldo ng mga pampublikong guro gayundin ng mga manggagawa ng pamahalaan sa buong bansa.
Ito’y ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque ay dahil sa nagpapatuloy ang proseso para ganap nang maipatupad ang salary increase bagama’t hindi pa ito maipatutupad sa susunod na taon.
Aniya, may kailangan pang tapusin sa umiiral na salary standardization law ang DBM o Department of Budget ang Management na inaasahang matatapos sa taong 2020.
Ayon kay Roque, maisasakatuparan ang pagpapatupad ng umento sa suweldo sa mga guro kapag naibigay na ang teachers performance bonus para sa mga taong 2016 at 2017 na dapat naipamahagi na nuon pang 3rd quarter ng nakalipas na taon.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jopel Pelenio
Posted by: Robert Eugenio