Inihirit sa Kamara ang dagdag sweldo at benepisyo sa mga empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) upang mabawasan ang katiwalian sa ahensya.
Layunin ng House bill 4973 na ini-akda nina House Speaker Pantaleon Alvarez at Quirino Rep. Dakila Chua na i-exempt ang mga BIR worker sa salary standardization law upang makatanggap ang mga ito ng mas mataas na sweldo at dagdag benepisyo.
Layunin din anila nito na ma-professionalize ang mga ranggo ng revenue official at employee.
Ipinunto nina Alvarez at Chua na marami ng empleyado ng BIR ang umaalis dahil sa mababang sahod bukod pa sa katiwaliang bumabalot sa ahensya.
By Drew Nacino