Siniguro ng Kamara na tutuparin ng pamahalaan ang pangako nitong dagdag sweldo sa mga nurse sa bansa.
Ito ay matapos hindi maisama ng Department of Health (DOH) sa kanilang budget allocation ang naturang salary increase.
Ayon kay Anakalusugan Representative Mike Defensor, maaaring makuha ng pamahalaan ang budget dito sa miscellaneous personnael benefits fund na nakapaloob sa national budget.
Dagdag pa ng Kongresista, posibleng taasan ng Department of Budget and Management (DBM) ang kanilang appropriation para dito.
Sa ngayon ay nakikipagtulungan na ang mga Kongresista para mapatupad ang salary increase ng mga nurse.
Una rito ay nangako si Health Secretary Francisco Duque III na isasama nila sa kanilang 2021 proposed budget ang naturang umento sa sahod.