Planong dagdagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang bilang ng mga taxi na bumibiyahe sa kalsada.
Kasunod ito ng dumaraming reklamo sa social media ng mga netizen laban sa mga pasaway at abusadong taxi driver matapos suspendihin ng LTFRB ang Uber.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, mababawasan ang reklamo kung mabibigyang prangkisa ang mga bagong taxi para dumami rin ang mga namamasadang hindi mamimili ng mga pasahero.
Kasabay nito, binalaan ni Delgra ang mga taxi driver na naniningil ng sobra sa mga pasahero at sinabing umiiral pa rin ang “Oplan Isnabero”.
Sa huli, tiniyak ni Delgra sa publiko na inaaksyunan nila ang lahat ng kanilang natatanggap na reklamo.
By Arianne Palma