Pinadadagdagan ng Pangulong Benigno Aquino III ang mga enforcer sa mga lugar na nakakaranas na matinding trapiko.
Kasunod na rin ito nang pagka-stranded ng libu-libong commuter na karamihan ay nakauwi mag-aalas-2:00 kaninang madaling araw matapos umulan ng malakas kagabi at nagdulot ito ng matinding trapiko.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, personal na sasaksihan ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang matinding trapiko sa EDSA kaya’t pinangasiwaan na niya ito.
By Judith larino | Aileen Taliping (Patrol 23)