Naideliver na ng DSWD ang karagdagang materyales sa paggawa ng mga napinsalang kabahayan sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.
Ayon sa National Resource and Logistics Management Bureau, halos 800 rolyo ng laminated sacks ang ipinamahagi sa tinatayang 8K pamilya sa CARAGA region.
Sa mismong araw naman ng bagong taon ay mahigit dalawandaan pitumpu pang rolyo ng laminated sacks ang dumating sa Cebu mula sa National Resource Operations Center, na Main Disaster Hub ng DSWD.
Tinatayang 6K rolyo ng laminated sacks at apatnalibong tarpaulin sheets naman ang binili ng DSWD para sa mga apektadong pamilya.