Naghahanda na ang Civil Aviation Authority of the Philippines sa pagdagsa ng mga pasahero sa paparating na Semana Santa.
Ayon sa pamunuan ng CAAP, nakaantabay na ang 44 na paliparan para sa pagpapatupad ng “Oplan Biyaheng Ayos: Holy week 2024″ Sa oras na i-activate ito ng Department of Transportation.
Nagsasagawa na rin ng bomb simulations ang mga Paliparan sa bansa bilang bahagi ng paghahanda sa dagsa ng mga pasahero na posibleng pagmulan ng “Bomb jokes.”
Kaugnay nito, inatasan din ng CAAP ang lahat ng airport managers na magsumite ng airport operations at communication plans upang matiyak ang kaligtasan, maasahan at maayos na sistema sa lahat ng paliparan sa mahal na araw. – sa panunulat ni Raiza Dadia