Dumagsa ang mga pasahero sa Manila North Harbor Port.
Ayon kay Coast Guard PO1 Elmer Malabanan, batay sa report, aabot sa 200 pasahero ang nananatili sa Port Passenger Terminal.
Kabilang sa mga pasahero ay patungong Batangas, Iloilo at Bacolod habang naka-heightened alert ang Philippine Coast Guard (PCG) mula noong Disyembre a-15 hanggang Enero a-7 2023 kaugnay ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2022.
Nagpaalala naman ang ahensya sa mga pasahero na ingatan ang kanilang mga bagahe. —sa panulat ni Jenn Patrolla