Nagsimula nang maghanda ang Maritime Industry Authority o Marina para sa pagdagsa ng mga pasaherong uuwi sa Semana Santa.
Ayon kay Ricky Hora, Spokesman ng Marina, nag-iikot sila sa maraming panig ng bansa para magbigay ng lecture sa mga operators at crew ng mga sasakyang pandagat kung paano mapapa-igting ang kaligtasan ng biyahe sa karagatan.
Sinabi ni Hora na regular nilang ginagawa ang pag-iikot subalit dinadalasan ito habang palapit ang mga panahon na dagsa ang umuuwi sa mga lalawigan.
“Meron po kaming tinatawag na Oplan Ligtas Biyahe, buong taon po naming ginagawa, nag-iikot kami sa buong Pilipinas, nakikipag-usap po kami sa mga operators para maiwasan natin ang overloading, o anumang aksidente.” Pahayag ni Hora.
By Len Aguirre | Ratsada Balita